Nakatitig ako sa orasan, alas dos na. Last order na. Pinanonood ko ‘tong mga guest para umalis na. Mahiya lang ng onti ba.
Naisip ko bigla kung nasa Pinas ako ngayon. Miyerkules. Malamang nasa bayan ako ng Pasig, kakagaling lang kay Dr. Saquitan at kasalukuyang nasa gitna ng trapiko papuntang Capitolyo.
Barubal na rin siguro akong magmaneho ngayon dahil isang taon ko na rin sanang sinusuyod nang araw araw ang Pasig, at mag-aanim na buwan ko na sanang gamit yung lagi kong sinasabi sa boss ko na kukunin kong kotse.
Pero dahil alas-dos palang, alas tres pa ang schedule nung surgeon na pupuntahan ko, at siguradong alas kwatro pa dating nun, chill lang akong nagdadrive papunta dun sa Fortune Care. Pwede pa akong dumaan bg Purple Oven kung trip kong gumasta sa isang cake. O kaya dumaan sa Charlie’s, Uncle Moe’s o kaya Kainan Au Gusto kung hindi pa ako nanananghalian.
Huling linggo ng buwan. Bukas malamang end-cycle meeting o liquidation namin. Call rate na ko sigurado. Kung hindi naman, kakapiranggot na pirma nalang ang hahabulin ko. Ang sarap nanaman sana ng kain ko bukas.
Miyerkules. Coding nung ex-boyfriend ko na malamang hindi ko ex ngayon kung nasa Pinas pa ako. Dahil sweet akong girlfriend, siguradong susunduin ko yun sa trabaho niya.
Kung ito ang kasalukuyang nangyayari sa araw ko ngayon, at wala ako dito, sa lahat ng pag-aantay na ginagawa ko, sa lahat ng bakanteng oras, naka kalahating kaha na siguro ako ng yosi, halos kakasimula palang ng araw ko.
Dahil meron na rin akong sariling sasakyan, magagawa ko ng pumunta sa mga hidden places na naka bookmark na sa utak ko para magwalwal. May ipon rin ako kahit papaano kaya malamang bumibili narin ako ng sarili kong stash. Baked siguro ako habang nagaantay sa McKinley.
Ang laking pasasalamat kong dito ako napadpad at hindi na ko umabot sa mga yan. Kapit parin siguro ako sa mga bisyo at kasalanan at tingin kong lapit ko ang mundo.
Kung wala ako dito ngayon, hindi ko matatagpuan at makikila ang tunay na kaligayahan. Hindi ko matutunang paano umasa sa Kanya.:)
buhaylibro said,
February 22, 2012 @ 4:46 pm
Trapik padin sa Capitolyo walang pinagbago :c hanggang bagong ilog (sad face ulit)
Aia said,
May 7, 2012 @ 12:25 pm
Trapik parin sa buong Pinas, walang pinagbago! Wahahahha! Ay, maliban pala sa Marcos Hi-way.:P